June 19, 2012: “Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy”.
Iyan ang naging karanasan naming mag-asawa. Sa mahabang taon na kami’y magsing-irog pa lamang (pugay, lalim ah!), sakalan din este sa kasalan din ang tuloy. Noong una, hindi ko pa inaasahan na matutuloy din kaming ikasal sapagkat maraming hindi pa pabor o kaya natatakot pa baka “hindi daw payagan”. Aba, kami’y malapit nang mapag-iwanan ng panahon!
Mantakin mo naman, kung sakaling magkaanak na kami; ilang taon na sila kung sakaling tumuntong kami sa edad 40’s, 50’s o dili kaya’y kapag nasa 60’s, baka nasa kolehiyo pa lang ang mga anak namin. Idagdag mo pa riyan kung magkakaroon ka pa ng anak na masipag mag-aral, like “Masteral High School” o kaya naman “Masteral 1st year College”. Huwaw! Ang sarap no’n!
It’s also my 31st birthday kaya “double celebration” ang nangyari. Sa Max’s Restaurant ang reception at talagang kami-kami lang ang nandon. Civil wedding lang ito, at ang plano next year naman ang sa simbahan. Oh ‘di ba, ang gastos! lolz!
Kidding aside, ito na din ang masasabi kong pinakamasaya at pinakamagandang regalong natanggap ko sa birthday at buong buhay ko, ang makasal sa pinakamamahal kong asawa.
Solomnizing Officer: Hon. Rodolfo S. Gatdula
xXx —————————————————————————————- xXx
My Birthday: After ng wedding, hindi mawawala siyempre ang celebration ng birthday ko. Ginanap namin ito sa Giants Grill dito lang din sa Balanga, pag-aari ni Ninong Norberto. Date sana naming dalawa ito kaso nakapangako ako sa panganay naming anak, este inaanak ko pala kay Pareng Jhepoy na si “Emar” na ilalabas namin siya sa birthday ko. So ito nga, at lumabas kami kasama siya.
Masarap sana kung may kainuman ka ‘te. Malungkot din pala kapag nag-iisa ka lang umiinom. Ho! Ho! Ho! Kaya ito na lang ang kainuman ko, ang representative ni Pareng Jhepoy. Si Pareng Emar. Sinisigurado ko sayo P’re, hindi ka maiinip sa kadaldalan nitong batang ire!
Ciao!