July 31, 2012: Kasalukuyang rumaragasa ang malakas na bagyong Gener (Typhoon Saola) ng panahong ito at brownout sa iba’t ibang lugar. May tawag sa akin galing NOC na may ACMAINS Alarm ang Mariveles(X) Sites. May fixed GenSet ito ngunit sira (nasa pagawaan pa ang alternator parts), at ang nakikita niyo sa larawan ay ang portable GenSet na naka-deploy sa site.
Ang problema, ayaw gumana ng portable GenSet, kaya walang kuryente sa loob ng site at may ACMAINS Alarm siya.
Kahit bumabagyo, sinugod ko ang malakas na ulan upang silipin, inspeksyunin ang problema at gawan ng paraan upang mapaandar pansamantala ang portable GenSet at mag-clear ang External Alarm upang maiwasan ang OUTAGE Ticket.
Ang dahilan ng hindi pag-andar ng PGenSet ay tinubig ang tangke nito at pumutok ang fuse sa AVR dahil sa overloading. Hindi angkop sa capacity ng PGenSet ang load ng site kaya nahihirapan itong magtuloy tuloy mapaandar. Kaya ang ginawa ko, pinatay ko muna ang BTS, nagbawas ng ibang load na hindi naman masyadong kailangan like battery bank, rectifier module, etc. upang hindi madamay ang 4 na site na nakasakay dito.
Nakakatuwa mang isipin, “Done Successful” naman ang lolo mo! “PERO…”, halos araw-araw din kaming umaakyat kahit bumabagyo kasama minsan si ACUlangca, dahil halos araw-araw din nagloloko ang PGenSet kapareho ng sakit nya dati.
TOINKS!