Select Page

August 08, 2013 / 1940H: Our Bebeng Aliyah is here.

Medyo mangiyak-ngiyak na ako at kinakabahan kanina noong kinausap ako si Dr. Pulido na hindi raw tumalab ang anistisya at nakakadalawang turok na daw sila. Subukan daw ang pangatlo na ibang brand baka sakali at kung hindi daw pa ulit tumalab, GA na ang kailangan. May risk daw kapag GA na ang ginamit, 50/50 ang buhay ng aking asawa at doon ako napaluha at kinakabahan. Sabi pa ni Dr. Pulido na ngayon lang daw nangyaring hindi tumalab ang isa o dalawang anistisya kaya nangangamba din siya.

Pero sa awa naman ng Diyos na Jehovah, tumalab din ang anistisya at nakapanganak sya ng maayos.

Inadvice sa amin ni Dra. Banzon (OB) na i-emergency CS si Mameng dahil medyo delikado na si Bebeng ngayon. Buti nga daw naagapan kasi paglabas ni Bebeng, tatlong palupot daw ang pusod ni Mameng sa leeg ni Bebeng. Kung magtatagal pa daw iyon, maaaring mawala si Bebeng.

Kayo na humusga kung sino kamukha ni Bebeng.

Congrats Mameng! Welcome Bebeng!

Sino kamukha ni Bebeng Aliyah?

Kaputi ni Bebeng. Kabalat at magkasing haba sila ni Mameng ng haba ng daliri sa paa. hehehe!

Si Mameng na hindi makapagsalita at makakain, naka-peace sign pa. hehe!

 

Pin It on Pinterest

Share This