Magkakalahating oras pa lang kaming nagpapahinga, dahil kayayaring maghapunan. Habang naglalaro si mommy ng “4 letter words”, bigla siyang bumulong sa akin, “Daddy, gusto ko ng Ice Cream.”
Sa una ayaw ko kasi katatapos lang kumain at wala pa gaanong pera, “Huwag na tayo mag-ice cream, gagastos na naman tayo niyan eh, wala na nga tayong pambili ng gamot, ice cream pa.” Tumahimik siya, at tinuloy na lang niya ang kanyang paglalaro.
Hindi ako mapakali kaya tinabihan ko siya at niyakap. Tinanong ko siya kung gusto ba talaga niya ng ice cream. Ang sagot niya, hindi na daw. Ikuha ko na lang daw siya ng tubig. Pero maya-maya, biglang namugtong ang mga mata, at tuluyan nang lumuha. kako, “Bakit?” Hindi siya kumikibo, nangiti ako.
“Tara na nga, bili na tayo ng ice cream”, sabi ko na nangingiti. “Mag-gayak ka na at huwag ka na umiyak, pumapangit si Bebeng”, sabay ngiti niya. Hanggang sa natuloy nga kaming mamili, sa Jollibee.
Bahala na muna sa pambili ng gamot ni Bebeng… lolz! Joke! Mayroon iyan. 🙂 Think positive!
Takaw na mami at bebeng.. 😀